Mga tabing ng dulang 'Sa Kalibudtan: Isang Musikal', opisyal nang nagbukas
Kasalukuyang ipinapalabas ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang ang dulang Sa Kalibudtan: Isang Musikal na isinulat ni Jaydee G. Paid at idinerehe ni Yancy D. Dizon. Ipinagdiriwang din sa dulang ito ang makulay na kultura ng teatro sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal, bilang bahagi ng Pagtambungaw sa Sining: 36th Season and Festival of Dramatic Arts.