Mga natatanging kwento, tampok sa KADUNGGANAN Festival '26; Siklab Legends, lumahok bilang panauhing manonood

Bumida ang mga natatanging salaysay ng mga mamamayang Heneral sa KADUNGGANAN Documentary Film Festival 2026 na inorganisa ng Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) Communication Students' Association, kung saan dumalo bilang mga panauhing manonood ang mga mamamahayag ng Himig Isko at iba pang mga mag-aaral ng MSU-CETD Senior High School.
Sa ilalim ng temang "Lens on Life, Hope Through Strife," ipinalabas noong Marso 11 sa Audio Visual Room 1 ng unibersidad ang limang dokumentaryong tampok sa nasabing pistang pampelikula:
• Tagatimpla ng Bukas - Project: Anggulo Productions
• Doon sa May Nayon - Sidlak Productions
• Antos - Tuklas Kalinga
• Panatag - One House Productions
• Hubad - Habi Films Production
Kabilang din sa mga panauhing kalahok ang mga estudyante mula sa Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas (ILSNHSMD), GenSantos Foundation College Inc. (GFI), Cronasia Foundation College (CFC), at Holy Trinity College (HTC). Inimbitahan din bilang mga panauhing manonood ang mga mamamahayag ng MSU-GenSan mula sa The Magnates at Philippine Institute of Civil Engineers (PICE).
Ayon kay Edianne Son Alquino ng ILSNHSMD, isang malakas na plataporma ang nasabing kaganapan dahil ito ay nagbigay ng tinig sa mga lente ng mga simpleng indibidwal sa lungsod na kadalasan ay hindi naipapakita sa mainstream media.
"I really noticed how each film tried to surface issues that rarely reach mainstream attention. It created space for voices from the margins, stories from communities, individuals, and situations that slip past public attention. especially in our locality, which we rarely see represented in the media," aniya.
Dagdag pa ni Alquino, hangad niyang mas mabigyan pa ng nararapat na suporta ang mga dokumentarista na aniya ay may kapangyarihan na magbigay-diin sa mga napapanahong isyu at payabungin ang mga batang filmmakers na may pagmamahal sa pagkukuwento.
"I'd really love to see this platform getting more support. Because what people fail to see with film festivals like these is that they have the potential to amplify unheard voices, highlight social issues, and nurture young filmmakers who are passionate about storytelling. With more backing, it could reach wider audiences and inspire others to document realities that often remain invisible," diin ni Alquino.
Layunin ng kapistahang pampelikula na magbigay ng plataporma sa mga natatagong kuwentong hindi pa naibibida sa mainstream at upang pumukaw ng damdamin ng mga manonood sa pamamagitan ng mga lente ng pagsasagawa ng dokumentaryo.