Paghahanda Para sa DSPC 2025, Pinasinayaan
BALITA
Author:Jett Elijah P. Tanggo
Photojournalist:Feevol S. Into

Kasalukuyang umaarangkada ang mga manunulat mula sa MSU-GSC Senior High School sa paghahanda para sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC) 2025 na naglalayong piliin ang mga karapat-dapat na kakatawan sa paaralan para sa prestihiyosong patimpalak.
Pinasinayaan ang elimination rounds ngayong araw, Disyembre 19, sa Senior High School Office, kung saan mahigit 30 mamamahayag ng Himig Isko ang kasalukuyang nagpapasiklaban ng kanilang husay sa pagsusulat sa iba't ibang kategorya.
Gaganapin ang taunang DSPC para sa taong 2025 ngayong Enero 10-11 kung saan ang pinakamagagaling na mga mamamahayag sa Lungsod ng Heneral Santos ay maglalaban-laban upang makaabante sa Regional Schools Press Conference (RSPC).